Sunday, March 23, 2014

MANANITA (ANG MGA HULING SANDALI NI TESSIE QUINTANA), Pilipino Magazine, March 12, 1969

Click on images to enlarge






* * * * * *

MA√ĎANITA
...ang mga huling sandali ni Tessie Quintana 
at ang isang awit sa Cursillo na mahal niya...

ni Romy Galang


FEBRERO 25, ala-una ng tanghali.  Sa isang silid ng St. Martin de Porres Ward ng Manila Medical Center ay nasa loob ng oxygen tent si Tessie Quintana.  Hirap na hirap siya sa paghinga.  Ikasampung araw na niya iyon sa ospital.

Kumilos ang nagbabantay na doktor.  Inalis ang oxygen tent at oxygen mask ang ipinalit.  Itinakip iyon sa ilong at bibig ni Tessie.  Lumuwag ang paghinga niya.  Idinilat ang mga mata at isa-isang pinagmasdan ang mukha ng mga nasa silid.  Naroon ang kanyang tatlong anak na sina Freddie, Albert at Mylene.  Naroon ang kanyang dalawang kapatid na babae.  Naroon ang kanyang kabiyak na si Johnny Reyes.  Naroon din ang mga narses.  Naroon din si . . .

Dahan-dahang inalis ni Tessie ang maskara ng hanging tumatakip sa kanyang ilog at bibig.

"Nasaan ang Mama?" tanong ni Tessie kay Rebecca.

"Umuwi siya upang matulog.  Ilang gabi na siyang puyat sa pagbabantay sa iyo," tugon ni Becky.

"Ipasundo mo siya . . . baka hindi na niya ako abutan," hiling ni Tessie.

Lumapit kay Tessie ang doktor at akmang ikakabit na muli ang maskara ng hangin.

Hinawakan ng pasyente ang kamay ng manggagamot.  Umiling at sinabing hindi na niya kailangan iyon.  Hindi nagpilit ang doktor.  Kilala niya ang ugali ng kanyang pasyente.  Mahirap suwayin ang kagustuhan niyon.

Bumaling na muli si Tessie kay Becky.  Nanghingi ng isang sigarilyo at isang boteng serbesa.

"Makasasama sa iyo ang magsigarilyo at uminom," tutol ng doktor.

Ngumiti si Tessie.  "Doktor, kung ako ba'y hindi manigarilyo at uminom ng serbesa ay hahaba pa ang aking buhay?"

"Hindi, pero hindi ka naman mahihirapang huminga," sagot ng doktor.

Tinipon ni Tessie ang nalalabi pa niyang lakas at dahan-dahang umusad na pasandig sa kama.  Akmang tutulungan siya ni Becky pero tumanggi siya.  Kaya raw niya ang kanyang katawan.  Inilibot niya ang kanyang paningin na tila namamaalam sa mga nasa loob ng silid.

Ilang araw bago dinala sa ospital si Tessie ay naglibot siya sa set ng mga ginagawang pelikula ng kanyang mga kaibigang artista at direktor.

Noong unang linggo ng Pebrero ay dumalaw siya sa set ng "Dolpe de Gulat" sa La Mesa Dam.  Masaya siyang nakipagkuwentuhan kina Dolphy, Direktor Chat Gallardo, Pilar Pilapil, Max Alvarado, Katy de la Cruz at iba pang artista.

Dinalaw rin ni Tessie ang set ng "Kumander Balisong" na sa La Mesa Dam din ang siyuting.  Kalahating oras siyang nakipagbiruan kina Eddie Fernandez, Paquito Diaz, Von Serna, Direktor Armando Garces at iba pa.

Nagtungo rin si Tessie sa Premiere-People's Studio s Caloocan.  Matagal siyang naging bituin ng maraming pelikula ng dalawang kompanya.  Ito ang naging pangalawa niyang niyang estudyo.  Ang una ay ang LVN Pictures na siyang nagbigay sa kanya ng pagkakataong maging bituin at reyna ng pelikula, tulad ng pagiging reyna ngayon nina Susan Roces at Amalia Fuentes.  Lalong nagningning si Tessie bilang bituin nang siya ang mapili ng FAMAS bilang pinakamahusay na bituing babae ng taong 1961 dahil s pagkaganap niya sa "Alaala Kita."

Ang karera ni Tessie sa tanghalan at pelikula ay isa na sa pinakamahaba.  Wala pa siyang sampung taong gulang noong 1942 nang sumikat siya bilang batang mang-aawit sa Cine Palace (sa kinalalagyan ngayon ng Palace Theater).  Isa pang batang artista ang malimit niyang makatambal:  si Berting Labra.  Bituin na rin noon sa tanghalan si Johnny Reyes samantalang si Efren ay telonero pa.

Maraming kapwa-artistang dapat pagpaalaman si Tessie.  Bago siya pumasok s ospital ay alam na niyang hindi na gaanong tatagal ang kanyang buhay.  Katunayan, maraming buwan nang lumampas ang taning sa kanya ng mga espesyalista sa kanser.  Ang kulang sa kanya ay ang panahon upang mapuntahan silang lahat.

Nang nasa ospital na si Tessie, ipinagbilin niya sa kanyang ina, mga kapatid at mga narses na papasukin kaagad sa kanyang silid ang sinumang artistang nais dumalaw sa kanya.  Kung sakaling magkataong siya'y natutulog, ipinamanhik niyang gisingin siya upang makausap ang mga dumadalaw.  Nasunod naman ang kanyang kahilingan.  Maraming artistang dumalaw kay Tessie sa pagamutan.  Maging ang mga dati niyang tagahanga ay dumalaw rin.

Nagpasindi ng isang sigarilyo si Tessie.  Hinitit niya iyon nang buong-kasiyahan.  Hiniling niyang buksan ang malamig na bote ng serbesa.  Tumalima naman si Becky.  Parang uhaw na uhaw na nilagok ni Tessie ang serbesa.  Napailing na lamang ang doktor.

"Ngayong ako'y nakapanigarilyo na at nakainom ng serbesa, gusto kong magbilin sa aking mga anak," mahina na ang tinig ni Tessie.

Lumapit sa kama ang kanyang tatlong anak.  Ang bunsong si Mylene ay iniupo sa kama.  Hinimas-himas ni Tessie ang buhok ng bata.

"Freddie, ikaw ang panganay.  Sa iyo ko ipinagbibilin sina Albert at Mylene.  Pakatandaan mo ito:  kahit na ano ang mangyari ay huwag kayong maghihiwa-hiwalay.  Magsama-sama kayong tatlo.  Ipangako mo, Freddie.  At kayo naman, Albert at Mylene, huwag ninyong iiwan ang Kuya Freddie ninyo.  Susundin ninyo siya," bilin ni Tessie sa mga anak.

Hindi ito ang unang pagkakataong hiniling ni Tessie sa kanyang mga anak na manatiling magkakasama.  Sinabi na niya ito noon pa mang hindi siya napapasok sa ospital.

"Ipinangangako ko, Mama," gumagaralgal ang tinig ni Freddie.

Si Freddie ay natanggap kamakailan bilang kawani ng Philippine Air Lines.  Kumuha na siya ng isang apartment na magiging tahanan nilang magkakapatid.  Ang makakasama nila ay dalawang katulong na matagal na nilang kasama sa bahay.

Pagkatapos magbilin sa kanyang mga anak hiniling ni Tessie sa mga mahal sa buhay na nasa loob ng silid na sabayan siya sa pagdarasal ng rosaryo.  Siya ang namuno.

Hindi napigilan ng mga nasa loob ng silid ang pagluha.

"Bakit kayo umiiyak?  Ako ay masayang-masaya sapagka't alam kong malapit ko nang makaharap ang Panginoon.  Hindi ba dapat ipagsaya iyan?  Natutuhan ko sa Cursillo na ang pagkamatay ng isang tao ay nangangahulugan lamang ng pagtungo niya sa kabilang buhay," paliwanag ni Tessie.

Noong nakaraang taon, nang malaman naming malala na ang karamdaman ni Tessie, nagtungo kami ni Direktor Armando Garces sa kanyang inuupahang apartment sa Sta. Mesa.  Ibinalita namin kay Tessie na kami ni Manding ay kapwa Cursillista at tutulungan namin siya anumang oras na naisin niyang mag-Cursillo.

"Alam ninyo, simula nang ako'y magkasakit ay naging relihiyosa na ako.  Dinalasan ko ang pagsisimba, pagnonobena, pagkukumpisal at pakikinabang.  Sa palagay ko'y malapit na malapit na ako ngayon sa Diyos.  Ipaaalam ko na lang sa inyo kung ako'y handa nang mag-Cursillo," paliwanag ni Tessie.

Ilang linggo pagkatapos ng pagdalaw naming iyon ay nag-Cursillo si Tessie sa Lipa City.  Masayang-masaya siya nang lumabas sa Cursillo House.

"Gayon pala kasaya ang Cursillo.  Akala ko'y puro dasal.  Ang harana kanginang madaling-araw at ang awiting "Mananita" ay hindi ko makakalimutan habang ako'y nabubuhay," wika pa niya.  "Biro mo, kung saan-saang malalayong lugar pa nanggaling ang daan-daang nangharana sa amin."

Ganyan din kahalaga sa maraming Cursillista ang "Mananita."  Pangalawa lamang ito sa popularidad.  Ang una ay ang "De Colores."

"Kung sinuman sa inyo ang gustong umiyak, maaari bang lumabas?  Ayaw kong pabaunan ninyo ako ng luha sa aking pagpanaw," pamanhik ni Tessie sa mga nasa silid.

Nagpahid ng luha ang mga mahal sa buhay ni Tessie.  Pinigil nila ang pag-iyak at pinilit ngumiti.

"Ganyan ang gusto ko," nasisiyahang wika ni Tessie.

Hinuni-huni ni Tessie ang himig ng "Mananita".  Kapagkuwa'y inusal ang mga titik...

"How beautiful is the morning
as we come and waken you
with God's early morning blessing
with pleasure we sing to you ..."

Tumigil sa pag-awit si Tessie.  Hirap na hirap siya sa paghinga.  Hinimas niya ang nagsisikip na dibdib.  Lumapit sa kama ang mga mahal niya.  Isa-isa silang pinagmasdan ni Tessie.  Pagkatapos ay ipinikit ang mga mata.

"My Jesus, mercy . . . my Jesus, mercy . . . Jesus . . ." usal ni Tessie na tutop ang dibdib.

Ganap na ala-1:40 ng hapon, Pebrero 25, nang bumalik si Tessie sa sinapupunan ni Bathala.  Pumanaw siya sa gulang na 37.

Dalawang gabing pinaglamayan ang labi ni Tessie sa simbahan ng Mount Carmel sa Quezon City.  Libu-libong tagahanga at mga kapwa-artista ang nagbigay-galang sa kanyang bangkay.  Punung-puno ng mga bulaklak ang santuwaryo.

Tanghaling-tapat noong nakaraang Huwebes, Pebrero 27, nang ilagak ang katawang-lupa ni Tessie sa isang libingan sa Loyola Memorial Park.  Hindi napigilan ng kanyang mga mahal sa buhay ang pagluha samantalang ipinapasok sa nitso ang kabaong at tinutugtog ang "Mananita."

"Bakit kayo umiiyak?  Hindi ba ang sabi ng Mama huwag tayong iiyak? usisa ni Mylene sa mga nakapaligid sa kanya.

Lalong bumalong ang luha sa mga mata ng mga nakapaligid sa bunsong anak ni Tessie.


* * * * * *

Sinulat ni Romy Galang
Pilipino Magazine, March 12, 1969



Thursday, March 20, 2014

ZAMBOANGA IDYLL (The Weekly Nation, 1966)

Click on image to enlarge

ZAMBOANGA IDYLL
By Marietta L. Velasco

...lush tropical land of the fairest maidens and the sweet orchid-scented atmosphere, where the coast is fringed by palms and ferns, and where the sun meets the horizon in transporting glory.


ZAMBOANGA is a quaint and exotic name that conjures many images -- alluring maidens, enchanting paradise of variegated flora, colorful Moro vintas, kris-bearing juramentados, fabulous pearls.

Romantics have called this world of tropical enchantment by many names.  It is the City of the Flowers, the Pearl Center of the South Seas, the Friendliest City of the World.  It is no wonder that when the late Fernando Poe Sr. was in quest of a setting for a motion picture, he chose Zamboanga.  Zamboanga, the film which starred him and the luscious Rosa del Rosario, became one of lthe most memorable motion pictures of a generation ago.

Zamboanga is approximately 50+ miles from Manila, or 2/12 hours by plane.  It sits on the westernmost part of Mindanao, an overnight's sailing by kumpit from Jolo.  Which is why Moro traders who are in direct contact with Borneo-smugglers find flourishing commerce in this land.  

Nature has lavished on Zamboanga a gracious blend of myth and legend where east and west, ancient and modern merge.

While the port is a modern hub of activity where pleasure-seaking seamen find haven, not far away is a Moro village with its ancient mosques and peaked-roofed dwellings which bear the lasting stamp of the Muslim way of life.

The lush foliage that covers the area is a motley of colors redolent with the heady perfume of exotic blossoms.  Most homes are surrounded by gardens.  How can anyone forget the delightful lure of fragrant orchids and wild ferns, blazing flame trees and age-old acacias?  Or how do you wash out the delectable taste of its strange fruits ...the mangosteen, the durian, and the mangoes?

"Don't you go, don't you go to far Zamboanga, where you may forget your darling far away ..."  This familiar school ditty sings the praise of Zamboanguenas, the fairest of the fair maidens of the south.  The Zamboanguena herself shows unmistakable traces of the country's historical past.  Through her veins runs the blood of generations of Malays, Spaniards, Americans.

A few minutes walk from Zamboanga City itself is a breathtaking seascape of palm fringed beach.  Here the waves deposit seashells that are lovelier than any that could be found anywhere.

A Moro village lines another stretch of the coast.  Here Moro seamen sell pearls, and shells, and corals, French perfume and Scotch whiskey, not to mention the ubiquitous "blue seal."

Among the memorable scenes of Zamboanga seas are that of the Moro vintas with young Muslim boys waiting to dive for coins tossed into the blue waters by tourists.

Such is the allure and beauty of Zamboanga that it has imbued young Fernando Poe Jr. with the obsession to do a movie about the place as his father had done 30 years ago.  The dream is about to be fulfilled.  Work on the motion picture is under way.  With Fernando Poe Jr. and Susan Roces in the starring roles, Zamboanga will be shot in its entirety in Eastman color.

The story is that of a highly adventurous young man who becomes enamoured of the beauteous daughter of a venerable Moro panglima.  The girl happens to be betrothed to the son of a very influential datu, played by Vic Silayan.  Lito Anzures plays the part of the sultan's son.

The film is being directed by Efren Reyes.  Emil Mijares provides the music.

The others in the cast are Pilita Corrales, Johnny Monteiro, Victor Bravo, Pablo Virtuoso, Dencio Padilla, Vic Varrion and Johnny Long.  Also featured are Pedro Faustino and Totoy Torrente who incidentally, were in the old Zamboanga film.  Ana Trinidad, best child actress for 1965, plays Susan's young sister.

* * * * * *





Tuesday, March 18, 2014

SUSANANG DALDAL (1962)

Click on images to enlarge
"SUSANANG DALDAL" 
Release Date:  March 15, 1962, Life Theater
Production:  VP Pictures
Director:  Romy Villaflor
Stars:  Susan Roces, Dolphy, Panchito, Eddie Gutierrez, Jean Lopez, Lito Legaspi













* * * * * *





Sunday, March 9, 2014

KONSIYERTO NG KAMATAYAN (1961)

Click on images to enlarge
"KONSIYERTO NG KAMATAYAN"
Release Date:  March 13, 1961, Dalisay Theater
Production:  Premiere Productions

1st Episode:
"AVE MARIA"
Stars:  Cesar Ramirez, Cecilia Lopez, Jose Garcia
Ruben Rustia, Adorable Liwanag
Direction:  Abraham Cruz


2nd Episode:
"SUMPA NG KALULUWA"
Stars:  Edna Luna, Lauro Delgado, Chiquito
Vener Vizconde, Teroy de Guzman, Teresita Mendez
Lito Anzures, Benny Mack, Vicente Liwanag
Dely Atay-Atayan
Direction:  Teodorico C. Santos

3rd Episode:
"NOCHE AZUL"
Stars:  Alicia Vergel, Bob Soler, Renato Robles
Celia Rodriguez, Marilou Munoz
Direction:  Danilo H. Santiago


4th Episode:
"LUMULUHANG BANGKAY"
Stars:  Ronald Remy, Aura Aurea, Johnny Monteiro
Direction:  Cirio H. Santiago
 

* * * * * *

Friday, March 7, 2014

YANTOK MINDORO (1960)

Click on images to enlarge

"YANTOK MINDORO"
(Adapted from "Sebya, Mahal Kita",CBN's top radio program 
sponsored by San Miguel Brewery)
Release Date:  January 30, 1960, Dalisay Theater

Production:  LVN Pictures
Direction:  Fred Daluz
Story & Screenplay:  Beer Flores
Music:  Polding Silos
Stars:  Pugo, Sylvia La Torre, Eddie San Jose, Bentot, Rosa Aguirre,
Val Castelo, Merle Tuazon, Nelda Lopez Navarro, Ric Tierro



* * * * * *





Sunday, March 2, 2014

AKO'Y ALIPIN NG OPIO (1961)

Click on images to enlarge

"AKO'Y ALIPIN NG OPIO"
Production:  Premiere Productions
Direction:  Efren Reyes
Stars:  Efren Reyes, Johnny Monteiro, Eddie Mesa, Leonor Vergara
Release Date:  March 20-24, 1961, Dalisay Theater



* * * * * *