* * * * * *
ANG TATAK: CESAR GALLARDO
Ni Mario
Source: Jingle Extra Hot Movie Entertainment Magazine
No. 66,
Maaaring para sa kasalukuyang henerasyon, ang pangalan niya ay hindi na kasintunog ng kina Bernal at Brocka. Ngunit kapag isinulat na ang kasaysayan ng pelikulang Pilipino, hindi pupuwedeng basta na lamang kaligtaan sapagkat nakaukit na nang malalim ang pangalan ng director na si Cesar Gallardo.
May gulang na ngayon si Chat (sa pangalang ito siya higit na kilala ng mga nagmamahal sa kanya). Dalawang massive heart attacks at mahahabang heart bypass operations ang nagpabagal sa dati’y halos pumuputok niyang enerhiya. Madalas siyang nagiging makakalimutin. Maraming bawal sa kanya, lalo na ang pagpapagod. Pero ang creative energy ay naroroon pa rin, umaasang balang araw ay muli siyang babalik sa likuran ng kamera upang gawing muli ang trabahong natutuhan na niyang mahalin: ang pagdidirek ng pelikula.
“Mahina na ang memory ko ngayon,” aniya nang kapanayamin namin siya. Halos hindi na niya magunita ang mga pamagat ng pelikulang una niyang ginawa. Kaya’t ang naging katu-katulong naming sa pagbuklat ng nakaraan ay ang kabiyak niyang si Mrs. Amparo Violago Gallardo at ang makakapal na scrapbooks na kung saan buong tiyaga nitong kinulekta ang mga tala tungkol sa career ni Cesar Gallardo. Talagang
Nagsimulang ma-involved sa showbusiness si Chat Gallardo sa gulang na disiotso. “Bata pa ‘ko, pangarap ko nang mag-artista,” aniya. “Nag-start ako bilang chorus boy sa Prince Theatre.”
“Pero ayaw ng tatay niya na mag-artista siya,” ani Mrs. “May sastre kasi sila at gusting pag-aralin siya ng tailoring. Magkababata kami at magka-eskwela sa
Pagkatapos ng digma, nakatagpo ni Chat ang noo’y kilalang direktor na si Paquito Bolero. “Naging typist niya ‘ko ng scripts niya,” pagkukuwento ni Chat. “Naging sidekick. Nagdidirek siya sa Premiere Productions at ako’ng naging assistant niya. Lumalabas din ako sa pelikula, sa mga supporting roles. Una kong pelikula as an extra, ‘yung Ang Dangal ng Parlatone. That was in 1936. Sa Sampaguita, nag-extra rin ako sa ilang pelikula. Pero sa Premiere ako talagang nabigyan ng malaking break. Nagkagalit kasi kami ni Paquito Bolero. Ginagawa naming ‘yung Bulaklak at Paruparo at ako’ng assistant niya. Batambata ako
“Isang araw, nakita ako ni Donya Adela Santiago ng Premiere at tinanong sa ‘kin kung ano’ng ginagawa ko. Wala ho, sabi ko. Inirekomenda niya ‘ko para maging assistant nina Direktor Ramon Estela at Direktor Marvin de Castro. Naging assistant ako ni Estela sa Lihim na Bayani na sinulat ni T.D. Agcaoili at sa Bandilang Basahan, ako naman ang assistant ni Direktor de Castro. By that time, nakakapagsulat na rin ako ng script. Ang una kong pelikulang isinulat e ‘yung Suwail na pinagbidahan ni Anita Linda.”
Gumanap pa siya bilang artista sa mga pelikulang Itanong Mo Sa Bulaklak, Hamak na Dakila, Maria Capra at sa Lumang Bahay sa Gulod na kung saan siya ang lumabas na Bonifacio. “Sa pelikulang Zagur na pinangunahan nina Anita Linda at Enrico Pimentel, may sequence na pina-shoot sa ‘kin si Direktor de Castro, ‘yung love scene nina Anita Linda at Enrico. Naku, talagang ginandahan ko nang husto. May dolly (lalagyan ng movie camera na mayroong gulong) pa ‘ko, e bihira pang gamitin ang dolly
“Ipinahanap sa ‘kin ng mga
Nagkasunud-sunod na ang assignments niya sa Premiere mula noon: 48 Oras, Tatlong Balaraw (kauna-unahang pelikula ng Premiere na na-censor), Three Sisters, Ang Maton, Anak ng Lasengga, Kadenang Putik, Sa Bawat Patak ng Dugo, Ang Matapang Lamang at marami pang iba. Siya ang nag-launch to stardom kay Bob Soler sa Mr. Basketball, Mina Aragon sa I Believe, Flash Elorde sa Flash Elorde Story, Eddie del Mar sa Trubador, Jesus Ramos sa Og (local version ng Tarzan), Gloria Diaz sa Nobya kong Sexy, Lito Lapid sa Jess Lapid Story at iba pang mga artista. Marami siyang nadiriheng pelikula para kay Joseph Estrada,tulad ng Ransom, Hoy Mister Ako’ng Misis Mo, Ito Ang Pilipino, Geron Busabos (Ang Batang Quiapo), Manila Connection, King Khayam and I at Bago Lumamig ang Sabaw. Siya ang nagdirek ng orihinal na Leon Guerrero starring Jess Lapid, Sr. Kay Dolphy, nagawa niya ang Dolpe de Gulat, Adolfong Hitler at Sampung Labuyo. Nakagawa rin siya ng mga pelikula sa abroad tulad ng Bamboo Gods and Iron Men, Black Kung Fu at Arrest the Nurse Killer. Nagwagi na siya ng FAMAS Best Director awards para sa mga pelikulang Salabusab (1955) at Kalibre .45 (1957). Hindi na niya matantiya kung ilan ang kabuuang bilang ng mga pelikulang pinamahalaan niya pero basta natitiyak niyang hindi pa siya magre-retiro. Ang huling pelikulang pinamahalaan niya ay ang action-drama ng Regal na Ang Leon, Ang Tigre at Ang Alamid na ginawa noong bago siya magka-stroke two years ago.
Sa ngayon ay abala sila ng kanyang maybahay sa pag-aasikaso ng sarili nilang kumpanya, ang CG Films. Una nilang pinrodyus ang Maynila 1970 noong 1979 sa tulong ng ilang kapitalistang Hapones na matapos ang unang project nila ay agad na nag-withdraw ng kanilang capital. Ipinasiya ng mag-asawa na ituloy ang pagpo-produce at ilan sa mga nagawa na nila ay ang Puga, Kosa, Deadly Brothers, Bulldog, Ambrosio (out biggest flop, anila) at ang kare-release na Sugo. Karamihan ditto ay ang anak nilang si Jun Gallardo ang nagdirek.
“kung ipanganganak akong muli at muling babata,” ani Chat, “pelikula pa rin ang pipiliin ko. Lahat ng hirap at lahat ng sarap, diyan ko natikman. ‘Yan ang daigdig ko.
* * * * * *
FILMS OF CESAR GALLARDO
Thanks to Simon Santos of video48.blogspot.com for some of the movie ads.
Answer to Guess Who #7: GIL DE LEON
Hi
ReplyDeleteI would really appreciate it very much If you can Help me get a copy Of his 1961 film Baby Damulag starting bentot
Manni
09174196066