By Mario Bautista
PUMANAW KAMAKAILAN ang isang aktor. Si VAN DE LEON. Kakaunti nag nag-uukol ng pansin sa kanyang panahon at ang tao’y madaling makalimot. Ilan na lamang sa ating mga movie writers ngayon ang nag-ukol ng puwang na banggitin siya sa kanilang mga kolum?
Ngunit hindi makakaila na si Van de Leon ay isa sa pinakamahusay na aktor ng pelikulang Pilipino. Sa aming alaala, namumukod-tangi ang kanyang pagkakaganap bilang Talahib, ang naghihiganting bandido, sa “Taga Sa Bato”, at bilang illiterate na kapatid ng yumao na ring Jose Padilla, Jr. sa “Kamandag”. Nagwagi siya ng best actor awards mula sa FAMAS para sa mga performances niyang ito. Noong 1975, minsan pa siyang nanalo ng FAMAS, bilang best supporting actor naman, para sa pagganap niya bilang “masipag” na ama ni Boots Anson-Roa sa pelikulang tungkol sa family planning, ang “Batingaw”.
“Hilig ko talaga ang umarte,” sabi sa amin ni Mang Van ng minsan naming siyang makapanayam. “Dalawang taon muna akong nagtrabaho sa Customs bago ko nadisisyunang hindi ko talaga gusto ang trabahong ‘yon kaya nag-resign ako. Nagsimula ako bilang extra sa “Anak ng Dagat” ng Sampaguita Pictures noon 1949. Si Rosario Moreno ang bida. May bit player na hindi masabi nang tama ang dialogue niya at ako’ng ipinalit. Na-deliver ko nang mahusay ang linya. Tinandaan pala ako ni Mrs. Vera at nang taon ding ‘yon, binigyan ako ng break bilang malupit na ama ni Tessie Agana sa “Roberta”. Low budget ‘yon at quickie pa pero ibinangon niyon ang Sampaguita pagkatapos na masunog ang studio nila.”
Lumaki nang lumaki ang mga papel na napupunta sa kanya hanggang sa magbida siya sa “Inspirasiyon” noong 1952. Si Carmen Rosales ang naging kapareha niya. Lungkot na lungkot nga si Mameng nang ibalita naming sa kanya ang pagpanaw ni Mang Van noong anyayahan niya kami sa bahay niya sa
“Si Van nga ang leading man ko sa “Inspirasiyon”. Tinanggihan ako noon nina Oscar
Pagkatapos ng ng “Inspirasiyon” ay na-establish si Van bilang isa sa pinakamagagaling na artista sa drama sa Sampaguita. Dahil dito ay naging official teacher siya ng lahat ng mga bagong bituing lalaki na nadi-discover ng kanilang studio. “Ako ang nag-coach kina Romeo Vasquez, Juancho Gutierrez, Eddie Arenas, Eddie Gutierrez at Dindo Fernando noong nagsisimula pa lang sila,” pagkukuwento ni Mang Van. “Kung walang approval ko, hindi pa sila puwedeng gawing full-fledged star.”
Iniwan niya ang bakuran ng Sampaguita noong 1965.
“Bihira na kasi akong mabigyan noon ng assignment. May mga anak akong pinakakain at pinag-aaral kaya nagpaalam ako kay Dr. Perez para makalabas naman ako sa ibang istudyo. Masama ang loob ko nang umalis ako dahil napamahal na rin sa ‘kin ang home studio ko. Lumapit ako kay Cirio
Ang sumunod niyang mga pelikula ay ginawa niya para sa bagong tatag na Tagalog Ilang-Ilang Productions ni Atty. Esperidion Laxa.
“Kumita talaga ako nang husto noon. Sunud-sunod ang naging mga pelikula ko. Ako ang kumuha kay Bobby Vasquez para lumabas sa TIIP with Fernando Poe, Jr. sa “Ikaw o Ako”. Ang laki ng ibinayad sa kanya noon. Talagang tumaas ang rate naming nang maglabasan kami sa Sampaguita. Nang kunin ng TIIP si Amalia Fuentes para pumareha kay Bobby sa “Ako’y Iyung-Iyo”, she got P200,000.”
Tinanong din naming noon si Mang Van kung sino ang paborito niya sa kanyang female co-stars sa Sampaguita.
“Okey naman silang lahat. Pero sa Sampaguita, makikita mo talaga kung sino ang magaling. I have the highest regards and respect for Lolita Rodriguez. Hindi ko malilimutan ang dalawang pelikulang ginawa namiin, “Condenado” at “Emma”. Pero hindi mo rin malilimutan sina Mameng, Rita Gomez at Marlene Dauden.”
“Ang mga pelikula noon,” patuloy ni Mang Van sa kanyang pagkukuwento, “isang buwan munang nire-rehearse na mabuti bago i-shoot. Ngayon, laging minamadali ang paggawa ng pelikula. Lalo’t may superstar na naglalagari sa mga sets, paspasan ang trabaho. Wala na ring magagandang mga papel na dumarating sa ‘kin ngayon. Siyempre, superstar lagi ang priority. Barya lang pati ang bayad sa amin kung ikukumpara sa bayad sa superstars.”
Tinanong naming si Mang Van kung nagsisisi siya na ibinigay niya ang kanyang buhay sa pelikula. “Kung nasa army ako, retired general na ako ngayon,” aniya. “Pero wala ‘kong regrets. Maraming intriga sa movies, maraming ups and downs. Pero exciting ang buhay sa pelikula. Dito ko binuhay ang mga anak ko at mahal ko ang propesyong ito.”
Ang mga huling best performances ni Van de Leon ay bilang isang lasenggo at matandang katiwala sa “Aliw-iw” ni Celso Ad. Castillo at bilang ama ni Christopher de Leon na ayaw ipakamkam ang kanyang lupa sa “Sugat sa Ugat” ni Ishmael Bernal. May isa pa siyang pelikula na natapos na hindi pa nare-release hanggang ngayon. Ito’y ang “In This Corner” na pinamahalaan ni Lino Brocka.
“Hanga ako kay Lino,” aniya sa amin noon. “Perfectionist. Gusto ko ‘yon dahil maski anong galing ng kabayo, kailangan may rumerenda. Sabi ko sa kanya, narito ako sa ‘yo as an actor, teach me. Lino is one of the best. Hindi siya tulad ng iba na tatawaran agad ang presyo mo. Siya, ipaglalaban ka niya at ang presyo mo. Natutuwa nga ako’t may mga bago tayong magagaling na direktor na tulad nila ni Bernal.”
Ganyan kagaling si Mang Van bilang aktor. Kahit na isa na sa pinakabatikan sa kanyang field ay hindi nahihiyang padirek sa kanyang direktor. Di tulad ng iba na nagka-award lamang ay ayaw nang maturuan.
Thanks to Simon Santos of video48.blogspot.com for the movie ads.
Nice entry on Van de Leon, James. One of my best character actors in Philippine movies. Btw, he also tried film directing--- he directed FPJ in "Anghel sa Aking Balikat" in 1965.
ReplyDeleteOh yes, magaling talaga si Van de Leon kaya lang meron akong nabasa noon na mahirap daw ka-trabaho.
ReplyDelete