Sunday, May 3, 2009

PINOY MOVIE THEME SONG #6: KULAY ROSAS ANG PAG-IBIG


Kulay Rosas Ang Pag-ibig (1968)
(Rosas Productions, starring Susan Roces and Ramil Rodriguez, direction by Armando de Guzman, screenplay by Fred Navarro, music by Tony Maiquez)

THE THEME SONG:



KULAY ROSAS ANG PAG-IBIG
(Music by Tony Maiquez)
(Sung by Ric Manrique, Jr.)


Kulay rosas ang pag-ibig...

Magsaya ka
at ang daigdig sa iyo'y makikipagsaya
Lumuha ka
luluha kang nag-iisa.

Sa larangan ng pag-ibig
ay may luhang kalakip
May kirot sa pusong
lumasap ng pait.

At may luha rin namang
sa ligaya ng dalit
hatid na gantimpala
sa nagluksang damdamin.

Lilipas ang dilim
Sisikat ang araw
Babalik ang kulay
ng mga halaman.

Magkakabuhay muli
mga pusong sabik
Sapagka't sadyang
Kulay rosas ang pag-ibig.

* * * * *

TAWA MUNA CORNER

Lumindol ng malakas noon . . .
Nagkagulo ang lahat at nag-panic!
Sumigaw ang isang lalaki . . . "Katapusan na! Katapusan na!"
sumagot ang isa pang lalaki . . .
"Tanga! A-kinse pa lang!"


* * * * *


No comments:

Post a Comment