Saturday, May 9, 2009

PINOY MOVIE THEME SONG #7: NASAAN ANG PANGAKO?



Nasaan Ang Pangako? (1967)
(Virgo Film Productions, starring Eddie Rodriguez, Barbara Perez and Divina Valencia, directed by Luis Enriquez, story by Louise de Mesa, screenplay by Jose F. Sibal and music by Tony Maiquez)


THE THEME SONG:





NASAAN ANG PANGAKO?
(Music by Tony Maiquez)
(Sung by Ric Manrique, Jr.)


Aanhin pa ang buhay
kung walang nagmamahal.
Ikaw ang tanging ligaya
ng puso kong nagdurusa.

Nasaan ang pangakong
tanging ako ang mahal mo.
Ang sumpa mo sa akin
ay 'di ka magbabago.

Ang pagsuyong wagas at dalisay
na sabi mo'y iaalay
sa akin lamang.

Ay nasaan at waring naparam
at nag-iwan sa puso ko
ng pagdaramdam.

Gayun pa man aking giliw
kita'y aking hihintayin
At umasang ikaw lamang
ang tangi kong mamahalin.

Ang tangi kong mamahalin.

* * * * *



TAWA MUNA CORNER

Donya : Bilang bagong katulong, tandaan mo na ang almusal dito ay ala-sais empuntu!
Maid : Walang problema, senyora. Kung tulog pa ako sa oras na yun, mauna na kayong mag-almusal!


* * * * *


No comments:

Post a Comment