Sunday, May 18, 2014

PELIKULA TUNGKOL KAY MARCOS, ANG "IGINUHIT NG TADHANA": PINIGIL ANG PAGPAPALABAS (Taliba, September 3 & 16, 1965)

Click on images to enlarge
"IGINUHIT NG TADHANA" 

Release Date:  September 7, 1965, Life Theater
Production:  777 Film Productions
Direction:  Mar S. Torres, Jose de Villa, Conrado Conde
Stars:  Luis Gonzales (as Ferdinand Marcos), Gloria Romero (as Imelda Marcos)
Rosa Mia (as Dona Josefa Edralin Marcos)





* * * * * *




Saturday, May 10, 2014

DULARAWAN: SALAKOT NA GINTO (Cultural Center of the Philippines, 1969)



Isang natatanging pagganap sa teatro ng dakilang aktres na si Lolita Rodriguez, kasama ang mga batikang aktor na sina Vic Vargas, Vic Silayan at Vic Diaz sa Dularawan:  "Salakot Na Ginto", isang ballet-drama-opera, na itinanghal sa Cultural Center of the Philippines taong 1969.

Click on images to enlarge


Friday, May 9, 2014

ANG MGA NAKATUTUWANG ASAL NI NORA AUNOR (Pilipino Magazine, August 26, 1970)

Click on images to enlarge


 





* * * * * 


ANG MGA NAKATUTUWANG ASAL NI NORA AUNOR
ni RUSTUM G. QUINTON


HALOS ay hindi na mabilang ang mga artikulong tungkol sa batambatang superstar na si Nora Aunor.  Karamihan sa mga paksa ay tumatalakay sa masalimuot niyang buhay. . .sa kagila-gilalas niyang pagsikat sa larangan ng pelikula, musika at telebisyon . . . sa malapalasyo niyang tahanan sa White Plains na ngayon ay iniwan na niya . . . sa pambihirang pagdiriwang ng kanyang kaarawan . . . sa tampuhan nila ni Tirso Cruz III  . . . sa pagiging malapit niya kay Manny de Leon . . . sa manikang si Maria Leonora Teresa . .  at higit sa lahat, sa nagawa niyang mga pagkakamali.  Nitong nakaraang buwan naman ay naging bukambibig ang kanyang pagkademanda at ang kanyang paglalakbay sa Asya, pati ang pagkapanalo niya sa Awit Awards.  Kakaunti lamang ang nakasulat hinggil sa tunay niyang ugali at, kung mayroon man, nakakaligtaan nilang banggitin ang mga nakatutuwang asal ni Nora Aunor.

Kabilang ang inyong lingkod sa ilang mga movie scribes na unang nakadaupang-palad ni Nora Aunor noong siya’y baguhan pa lamang sa bakuran ng Sampaguita Pictures, noong panahong wala pang gasinong pumapansin sa kanya, noong siya’y isang karaniwang mukha pa lamang na naghahanap ng sariling pangalan sa daigdig ng aninong gumagalaw.

At sapagka’t nakapalagayang-loob nga naming ang munting bituin, marami kaming natuklasang mga asal ni Nora na lingid sa kaalaman ng iba – nakatutuwang mga asal na hanggang ngayon ay taglay pa rin niya sa kabila ng kanyang tagumpay bilang artista at mang-aawit.

Si Nora ay unang ipinakilala ni Dr. Jose P. Perez sa press nang ganapin ang pulong-pampahayagan ukol sa pelikulang “Way Out of the Country” noong 1967.  Nang tawagin ang kanyang pangalan upang humarap sa mga manunulat, atubili siya sa pagtayo na para bang takot na takot.  Nagtago pa siya sa likuran ni Doc Perez.  Nang siya’y papagsalitain, hindi niya malaman ang gagawin sa kanyang kamay.  Halatang kinakabahan siya.  Nahihiya.

“Just say a word of greeting, iha,” sabi sa kanya ni Doc.

Lumunok muna siya nang malalim bago nagsalita:  “M-magandang hapon po sa inyong lahat . . . M-marami pong salamat . . .”

Ito lamang ang mga katagang nulas sa kanyang mga labi.  Pagkatapos, kagat-kagat pa ang hintuturong naupo sa tabi ng kanyang Mamay Belen.  Nagsisiksik na para bang takot masilayan ng mga naroon.

Noon pa man, marami na kaming narinig na mga puna ukol sa kanya.

“Iyon pala ang Nora Aunor na champion ng Tawag ng Tanghalan.  Ang itim!” sabi ng isa.

“Ba’t kinuha naman iyan ni Doc?  Walang ka-appeal-appeal sa akin!” anang isa naman.

“Oo nga, hindi puwedeng bida iyan.  Bukod sa negra, bulilit pa!” salo naman ng isa.  “Pero, maganda talaga ang boses niyan.  Akala mo matured na kung kumanta.  Diyan siya mapakikinabangan!”

Nang matapos ang press conference, walang nagtangkang lumapit kay Nora upang kausapin o kaya’y kunan ng pictorial.  Abala ang mga reporters sa mga naroong sikat na mga bituin.  Nasa isang sulok lamang si Nora, katabi ang kanyang Mamay Belen.  Sa gayon, nilapitan namin si Nora.  (Ang “namin” ay kinabibilangan ng mga scribes na sina Eddie CampaƱer, Malu Tronqued, Mar d’Guzman Cruz, Eddie Padilla, Ricky Lo, Robert Carreon, Emil Tidalgo at ang inyong lingkod na bumubuo sa EMMERRERS, na kung minsan ay tinatagurian ding Snow White and the Seven Dwarfs.)  Nakiumpok na rin sa amin ang movie reporter na si Justo C. Justo.  Nabigla si Nora nang aming lapitan.  Paano nga’y isang katerba kaming sumagupa sa kanya.  Panay ang takip niya sa kanyang mukha kapag pinupuri namin siya tungkol sa mahusay niyang pag-awit.  Kung minsan naman ay nilalamukos niya ang laylayan ng kanyang damit, manapa’y upang mapaglabanan ang kanyang inferiority complex.

Sari-saring katanungan ang pinagtatanong namin sa kanya.  Ang ukol sa kanyang family background.  Ang kanyang pag-aaral.  Ang balak na pag-aampon sa kanya ni Timi Yuro.  At kung anu-ano pa.  Hindi tuloy niya malaman kung sino ang unang sasagutin.  At kung sumagot naman siya, iilang kataga lang na laging binubuntutan ng “po”.  Naisip tuloy naming talagang magalang itong bata.

May tumawag sa kanya.  Si German Moreno.  Kukunan daw ang buong cast ng group picture.  Kiming nagpaalam sa amin si Nora.  “Sandali lamang po.  Tinatawag po ako ni Mang German.”

Ang ikalawang pagkakataong nakita namin siya ay sa set na ng pelikulang ginagawa niya.  Nang mapansin kami ni Gng. Belen Aunor, binulungan niya si Nora.  Tinuro kami.  Sinalubong naman kami ng bata.  Binati kami ng isang mahina subali’t tapat sa pusong “Magandang gabi po sa inyong lahat.”

Sinabi namin sa kanyang may hawig siya kay Barbara Perez, lalo na sa retrato.  Itinakip niya sa mukha ang hawak na magasin.  “Hindi naman po.  Baka po magalit si Aling Barbara.  Kasi, hindi naman po ako magandang katulad niya.”

Mula noon, tuwing magkikita kami, hindi niya nakakaligtaang kami’y lapitan at batiin:  “Magandang gabi po, Mang Rustum . . . Magandang gabi po, Mang Eddie . . . “  Ganoon din kapag siya’y nagpapaalam:  “Aalis na po kami, Aling Malu . . .”

Ang pagtawag sa amin ng “Mang” ni Nora ay hinayaan na namin sa kanya, kahit nagmukha kaming matanda, sapagka’t batid naming iyon ay palatandaan lamang ng kanyang paggalang sa mga nakatatanda sa kanya.  Subali’t ang siste nito, nang muli kaming nagkita, hindi lamang pagbati ang ginawa niya, kundi nagmano pa ng kamay sa amin.  Mangyari pa, nabigla kami.  Hindi lamang miminsan niyang ginawa iyan kundi ilang ulit pa.  Tuloy, pabiro rin naming siyang bebendisyunan ng:  “Sana’y magtagumpay ka, Aling Nora, at matagpuan mo rin ang iyong Prince Charming.”  Kapag naririnig niya ito, hahagikgik siya ng tawa.  “Ayoko pa hong magkaroon ng boyfriend!”

Minsan, inabutan namin siyang kausap si Jose Yap, ang batang mang-aawit na naging kampeon din ng “Tawag ng Tanghalan.”  Tinukso namin siya.  “Sa wakas, natagpuan din ni Aling Nora ang kanyang dream boy.”

Namumulang isinubsob niya ang kanyang mukha sa dalawang palad.  “Hindi naman po.  Ke bata-bata pa ho namin upang magligawan.”  Ganito rin ang sinagot niya sa amin nang itukso namin sa kanya sina Danny Taguiam at Rico Lopez na nakapareha na rin niya.

Nang makatambal naman niya si Ace York sa “Nineteeners,” biniro naming siya ng:  “Ano ba naman, Nora, naghanap ka ng boyfriend, higante pa ang natagpuan mo!”  Paano, wala pa siyang limang talampakan samantalang si Ace ay limang talampakan at walong pulgada yata ang taas.

Nang makapareha naman niya si Tirso Cruz III sa “Young Love,” tinukso uli namin siya, “Hindi kayo bagay, kulay gatas si Tirso, ikaw naman ay tsokolate.”  Hindi siya nagalit sa amin.  Tatawa-tawa lang.  Hindi naman namin inaasahang ang pagtatambal pala nilang iyon ay simula ng magandang kapalaran para sa kanila.

Talagang bata pa nga si Nora noon sapagka’t madalas silang magtutuksuhan ni Tirso sa set.  Kapag hindi na niya kayang sumagot kay Tirso, magsusumbong sa amin.  “Ayan po si Tirso, tinutukso na naman ako.”

Kung minsan naman ay napapagalitan sila ng director dahil kailangan na sila sa set, naglalaro pa ng taguan at habulan.

Kami man ay nadamay rin sa pagiging childish ni Nora.  May pagkakataong magtatago iyan sa amin.  Saka gugulatin na lamang kami.  Kung minsan, tatawagin na lamang ang aming pangalan subali’t hindi naman magpapakita.  May panahon pang tatakpan niya ang aming mga mata.  At nangingiliti pa iyan.

Minsan naman, nag-iiyak siyang nagsumbong sa amin.  Kinalaban daw siya ng isang radio announcer.  Kasi, hindi raw siya sumipot sa kanilang tipanan.  Ke bata-bata pa raw siya’y indiyanera na, wika raw ng announcer.  Ang totoo raw, hindi naman niya tinanguan iyon dahil may recording siya noon.

Wala rin siya sa proper mood noong minsan namin siyang dalawin sa set ng “Drakulita.”  Nagsisimula na kasi noong magkagulu-gulo ang trianggulo nila nina Tirso at Edgar Mortiz.  Napansin naming medyo namumugto ang kanyang mga mata.  Kaiiyak nga lamang daw, sabi ng iba, dahil marami siyang narinig na mga tsismis laban sa kanya.  Pero, nang makita niya kami, nilapitan pa rin kami at binati.  Nang malamang nais naming siyang ipiktoryal, nagpaunlak pa rin siya, kahit medyo may hidwaan sila ng isa sa kanyang mga kapareha.

Noon nagsimulang madawit sa tsismis ang pangalan ni Nora. Naroong atakihin siya ng director ng isang palatuntunan sa telebisyon na nilalabasan niya.  Naroong kumalat ang balitang suplada siya, lasengga, at kung anu-ano pa.

Ang mga pamimintas kay Nora ay nakabuti sa kanya.  Naging usap-usapan siya hanggang sa ibunsod nga ni Direktor Artemio Marquez ang love team nila ni Tirso.  Ang “D’ Teenage Musical Idols” ay naging box office hit.  Tagumpang ang pagkalunsad sa kanila bilang ganap na mga bituin.  Unti-unti na silang nilapitan ng mga movie scribes na dati’y hindi pumapansin sa kanya.  At nang magkasunud-sunod nga ang kanyang mga pelikula, pinaalalahanan namin siya:  “Huwag sanang lalaki ang ulo mo, Nora.”  Sasagot naman siya:  “Hindi po.  Kagalitan po ninyo ako kapag lumaki na ang ulo ko.”

Mula nang maging bukambibig ang pangalan ni Nora, marami ang naging write-ups sa kanya na karamihan ay ukol sa kanyang pagiging indiyanera.  Kami man, kahit naging malapit na siya sa amin ay na-indiyan din niya.  Ngunit may ginagawa siyang paraan upang hindi kami magalit sa kanya.

Noong Disyembre, malayo pa man ang kaarawan ko ay kinumbida ko na siya.  Tuwing magkikita kami, ipinaaalaala ko iyon sa kanya.  Tango nang tango siya.  Pupunta raw.  Sumapit ang gabi ng pagdiriwang:  Walang Norang sumipot.  Naisip ko, baka may siyuting.  Subalit wala naman pala sapagkat si Tirso na katambal niya sa “Young Love” ay nakarating.

Pagkaraan ng tatlong araw, nagkita kami sa Christmas Party sa Sampaguita.  Nang makita niya ako, nahihiyang lumapit sa akin.  “Tito Rustum”, aniya (Tito na ang tawag niya sa amin upang magmukhang glamorous daw), “galit ho kayo sa akin?  Kasi po, nakalimutan ko . . .”

Sabi ko naman:  “Wala akong magagawa, nakalimutan mo pala.”

“Ki-kiss na lamang po ako sa inyo paa maalis ang galit n’yo sa akin,” wika niya sabay halik sa aking pisngi.  “Bati na tayo, Tiyo Rustum, ha” paglalambing niya.

“O, sige na nga,” wika ko.

Pero ang siste nito, pinaulit pa ng kasama naming photographer ang paghalik niya sa akin.  Take two raw dahil hindi nakunan ng retrato.  Inulit naman niya.  Napahiya tuloy ako sa mga naroong napatingin sa amin.  Party yata iyon!

Hindi lamang kami miminsang na-indiyan ni Nora.  Minsan, niyaya niya kami upang manood ng “Orang”.  Magkikita raw kami sa lobby ng Life Theater sa last full show.  Pumunta naman kami subalit walang Norang dumating.

Kinabukasan, isang kaibigan ang nagsabi sa aming humihingi daw ng paumanhin si Nora sapagka’t hindi siya nakasipot nang nakaraang gabi.  Nakalimutan daw niya ang aming tipanan dahil nawili yata sa pagmamaneho ng kabibili nilang kombe.

Pagkaraan ng dalawang araw, nagkita kami sa bahay nina Direktor Marquez.  Nagkunwari akong hindi siya nakita.  Akalain ba namang lumuhod sa harap ko at nagsabing hindi siya tatayo hangga’t hindi ko sinabing hindi na ako galit sa kanya.  “May sulat pa nga ho akong ginawa para sa inyo para mag-sorry,” dugtong pa niya.  Ano pa nga ang gagawin ko kundi ang sabihing wala akong hinanakit sa kanya.  Nakatingin pa naman sa amin si Maria Victoria.  Nagyaya siyang muli.  Talagang darating na raw siya sa Life.  Nang dumating nga kami’y nadatnan na namin siya roon.  Ang daming pinamiling pagkain.  Nang makita kami, parang batang pinandilatan pa kami.  “Beeee…naunahan ko sila ngayon!”

Madalas akong ilagay sa embarrassing situation nitong si Nora.  Minsan, Linggo noon, nasa ABS-CBN kami.  Papalabas pa lamang nila ni Tirso pagkatapos ng program nilang “Fiesta Extravaganza” samantalang papasok pa lamang sina Vilma Santos at Edgar Mortiz para naman sa programang “My Love For You.”  Kontentung-kontento ako sa pagkakatayo nang bigla na lamang niya akong nilapitan at tila nanggigigil na pinagkukurot ang pisngi ko.  (Hindi naman ako baby-face).  “Talagang mahal na mahal ko itong Tito Rustum ko,” sabi pa niya.  Napatingin tuloy sa amin ang mga tagahangang naroon, pati sina Tirso, Vilma at Edgar.  Namula ako noon.

Noong ipagdiwang niya ang kanyang kaarawan sa White Plains, medyo napahiya rin ako sa ibang mga scribes.  Marami kaming naghihintay kay Nora na noon ay nagbibihis pa.  Palibhasa’y nasa may bandang pintuan ako, kaya nang lumabas si Nora, ako agad ang nabungaran.  Binati ko siya ng “Happy Birthday.”  Nagtago siya at kumapit sa likuran ko nang makita ang maraming reporters.  Pabulong niyang sinabi na nahihiya raw siya at natatakot, baka galit daw sa kanya ang iba.  Pabulong ko ring sinabi sa kanyang hindi sila pupunta roon kung may sama ng loob sa kanya.  Saka lamang niya hinarap ang mga ito.  Ang kaso, nakatingin silang lahat sa amin.  Kung sa bagay, ang mga gestures ni Nora ay nagpapatunay lamang na tinuturing niya kaming hindi iba sa kanya, na nagtitiwala siya sa amin.

Minsan nga, dahil sa pagiging malapit niya sa amin, muntik nang magalit sa amin ang isang reporter.  Paano, nang kapanayamin niya si Nora, tumitingin muna sa aming ang bata bago sumagot, lalo na kung controversial questions.  Para bang humihingi ng tulong.  Nang mapansin naming medyo naiinis ang reporter, tinangka naming umalis, subalit pinigil kami ni Nora.  Natatakot kasi siyang makasagot ng mali.  Anupa’t marami ang nag-aakalang PRO kami ng munting superstar.

Totoo, may panahon ding pinapayuhan namin si Nora ukol sa mga gawi niyang hindi nagugustuhan ng iba.  Kinakausap namin siya nang seryo.  Noon ngang mabalitang idedemanda siya ng kanyang tiyo at tiya, pati ang kaguluhan sa kanilang pamilya, napapaiyak pa iyan sa amin.  “Ewan ko po kung bakit halos lahat na yatang kaapihan ay ibinigay Niya sa akin,” wika pa niya habang humihikbi.

Nang maging matunog naman ang mga alingasngas ukol sa kanya at kay Manny de Leon, pati na ang iba’t ibang tsismis na masagwa na panay paninira sa kanya, sinikap namin siyang makausap.  Natagpuan namin siya sa set ng “Three for the Road,” ngunit hindi naman kami nagkausap nang masinsinan dahil sa marami ang nakapaligid sa amin.

“Basta po huwag kayong magagalit sa akin . . . “ pahabol niya sa amin.

Kahit sikat na sikat na si Nora, hindi pa rin nawawala sa kanya ang pagiging galawgaw at pagiging palabiro.  Pati si Mamay Tonying na kanyang ina ay pinagbibibiro niya.  Sasabihin niya sa ina:  “Ikaw, Antonia, huwag mo akong matitigtitigan nang ganyan at baka kita kurutin nang pinung-pino.”  Kapag napansin niyang medyo magagalit na ang ina, yayakapin niya ito at paliliguan ng halik.  “Talagang mahal ko itong mommy ko eh,” paglalambing niya.

Nang dalawin naman namin siya sa set ng “Darling”, sinalubong niya kami ng:  “Tayo, ha, an tagay-tagay na ninyong di nagpapatita ta atin, ha!”

“Paano, malaki na raw ang ulo mo,” panunumbat namin sa kanya.

Bigla siyang pumormal.  “Pati ho pala kayo, naniniwala na sa iba.  Hindi ko po alam kung ano ang ipinagbago’t ipinaglaki ng ulo ko,” aniya.  “Sabihin ho ninyo sa akin kung ano iyon.”

Huli naming nakausap si Nora nang magrecording siya sa CAI Studio para sa kanyang long playing album na “The Phenomenal Nora Aunor” ng Alpha.  Nang makita niya kami, hindi namin inaasahang magmamano pa rin siya sa amin.  Napatingin tuloy sa amin ang isang baguhang reporter na naroon din nang gabing iyon.

Tinawag na siya sa loob.  Nag-rehearse.  Nang actual take na, tawa siya nang tawa kaya hindi niya mabuo ang unang bahagi ng kantang inirerecord niya.  “Kasi, sina Tito Rustum at Tito Eddie, nakatingin.  Nako-conscious tuloy ako,” wika niya.  Nagkunwa kaming aalis (batid naming nagbibiro lamang siya) at hinabol niya kami.  “Nagbibiro lamang po ako . . .”

Pagkatapos ng recording, kinausap namin siya.  Ayaw niyang mag-comment ukol sa pagkademanda sa kanya ng Sampaguita.  Sinimulan namin ang pictorial.  Umiral na naman ang kalikutan niya.  Kung anu-anong pose ang ginagawa na hindi naman maaaring kunan.  Naroong mag-pose nang ala-Divina Valencia.  Naroong umarteng parang tomboy.  Naroong sasayaw ng ballet.  Sa pagpili namin ng puwesto, napaharap siya sa isang kuwadrong may nakaguhit na apat na babaing naka-nude.  Napakurus siya sabay wikang:  “Ang Tito Eddie naman . . . Pinaharap pa ako roon.  Magkakasala ako niyan eh!”
Nang mag-uwian na, nagprisinta siyang ihatid kami ng kanyang kotse at siya ang magmamaneho.  Sapagkat batid naming pagod na siya (hatinggabi na nang matapos ang recording) at ang isa pa’y magkaiba ang aming patutunguhan (sa Better Living siya at kami naman ay sa Sampalok), hindi na kami sumabay sa kanya.

“Mag-ingat po kayo,” bilin pa niya sa amin.

“Ikaw ang higit na dapat mag-ingat sapagkat mangingibang-bansa ka!” wika namin.

“Salamat po, aalalahanin kong lagi ang bilin n’yo,” tugon niya.

Malayo na ang sasakyan niya ay kumakaway pa rin sa amin ang munting bituin na dinidiyos ng libu-libong tagahanga, ang batambatang superstar na gaya rin ng karaniwang nilalang na may nakatutuwang mga asal.


Pilipino Magazine, Agosto 26, 1970

·         * * * * *

1972 MANILA FILM FESTIVAL PARADE (Philippines Sunday Express, June 18, 1972)

Click on images to enlarge

Philippines Sunday Express, June 18, 1972

* * * * * 


Wednesday, May 7, 2014

MGA 'KAMPEON SA TAKILYA' NG 1964 (Taliba, Pebrero 13, 1965)

Click on image to enlarge


MGA 'KAMPEON SA TAKILYA' NG 1964
Tagumpay ang pelikulang Pilipino sa pagpapasok ng salapi sa prodyuser 

ni LUDY ORTEGA


Ang taong 1964 ay maitatangi sa lahat ng taon kung ang pag-uusapan ay ang pelikulang Tagalog.  Umaabot sa 154 na pelikulang pangdalawang oras o mahigit pa ang niyari ng may 40 estudyo at prodyuser na kinabibilangan ng Sampaguita, VP, Larry Santiago, Tagalog Ilang-Ilang, Tamaraw, Dalisay, People's, FPJ, D'Lanor, Jafere, Joseph Estrada, Kislap Tagalog, Golden Harvest, Ambassador, Luzon, Hollywood-Far East, Magna East, RTG, GM Film Organization, Vitri, Medallion, Pauline's, RV, LSJ, Emar, Kayumanggi, Broadway, DES at maraming iba pa.  Bukod pa sa rito ay may ginawa ring maiiksing pelikula na kung tawagin ay mga "documentaries" at isa na rito ay ang "Magandingay" na nakakuha ng karangalan sa katatapos na Taiwan Fil mFestival.

Maitatangi pa rin ang taong 1964 sa kasaysayan ng pelikula sa Kapuluan pagka't ang pinakamahal na pelikulang Tagalog ay nayari sa taong ito.  Ang D'Lanor Productions, kapatid na kompanya ng FPJ at Jafere Productions, ay nanguna sa mga kompanyang tumustos ng di biru-birong salapi upang makayari, at mapaganda ang kanilang mga produksiyon.  Ang naturang kompanya ay gumugol ng P300,000 upang matapos ang pelikulang may kulay na "Daigdig ng Fantasia" na pinangunahan nina Dolphy at Nova Villa.  Inabot ng 9 na buwang paghahanda at siyuting si Direktor Herminio (Butch) Bautista upang matapos ang nasabing pelikula.  At sa may 11 araw na palabas ng "Daigdig ng Fantasia" dulaang Center noong Disyembre, ito ay kumita ng may P31,000.00.

Ang "Eddie Loves Susie" ng VP Pictures na pinamumunuan ni Dr. Jose R. Perez ay pumangalawa sa laki ng nagastos sa isang pelikula lamang nang taong 1964.  Umabot sa P250,000.00 ang nagugol sa pelikulang ito na kinunan sa Nueva York, Niagara, Mehiko, Kanada, Boston, California at Haway.  At samantalang nasa Nueva York ang pangkat, isang bagong-bagong kamerang Airiflex ang nawala roon na siyang lalong nagpalaki ng gastos ng pelikula.

Ang "Eddie Loves Susie" ay kauna-unahang direksiyon ni Luciano B. Carlos -- ang tanging Pilipinong nagkamit ng kauna-unahang Asian Best Scenario Award sa kanyang pagkakayari ng iskrip ng "Ang Asawa Kong Amerikana."  Ang "Eddie Loves Susie" ay pinangunahan nina Susan Roces, Eddie Gutierrez, Rosemarie at Pepito Vera Perez.

Ang pangatlong pelikulang pinagkagastahan ng malaki noong 1964 ay ang "Mga Daliring Ginto" ng LEA Productions ni Gng. Emilia Blas.  Ang naturang pelikula ay niyari sa kulay Eastman kung kaya inabot ng P200,000 ang nagugol.  Sina Joseph Estrada at Amalia Fuentes ang mga pangunahing bituin ng "Mga Daliring Ginto" na ginawa sa Olongapo at Subik sa Sambales.

Ang "Vendetta Brothers" ng Joseph Estrada Productions na pinamahalaan ni Cezar (Chat) Gallardo at pinangunahan nina Joseph Estrada, Arnold Mendoza, Maggie de la Riva ay umabot din sa halagang P200,000 bago natapos.

Ang "Walang Hanggan" ng Tagalog Ilang-Ilang Productions na siyang unang pagtatambalnina Fernando Poe, Jr. at Amalia Fuentes at pinamahalaan ni Direktor Armando Garces ay nagkahalaga ng P197,823.13 bago natapos.  Sa may 19 na pelikulang niyari ng Tagalog Ilang-Ilang ay ang "Walang Hanggan" ang pinakamagastos.

Dalawang pelikula -- ang "Prinsesang Kalapati" ng LEA Productions, na may kulay at pinangunahan ni Amalia Fuentes at Bernard Bonnin sa direksiyon ni Nemesio E. Caravana, at ang "Mga Kanyon Sa Korehidor," produksiyon ng Sampaguita Pictures at VP Pictures at pinangunahan ng 75 bituin, pinamahalaan ng dalawang direktor, sina Mar S. Torres at Jose de Villa, at ginawa nang may isang buwan sa pulo ng Korehidor at doo'y gumugol sila ng P10,000 para sa mga punlong pinaputok, ay kapuwa nagkahalaga ng tig-P165,000 bago natapos.

Ang iba pang pelikulang Tagalog na pinagkagastahan ng malaki ay ang "Daniel Barrion" at "Baril na Ginto" ng FPJ -- tig P160,000; ang "Jukebox Jamboree" ng VP Pictures at "Captain Barbell" ng D'Lanor Productions, tig P150,000; ang "Let's Go" at "Kumander Fidela" ng Larry Santiago Productions na natapos sa badyet na P150,000 at P148,000; ang "Kulay Dugo ang Gabi" ng People's Pictures na nagkahalaga ng P146,029.64 at ang "Deadly Brothers" ng Joseph Estrada Productions na inabot ng P145,000 bago nayari.

Kung ang karamihan sa nayaring pelikulang Tagalog nang 1964 ay hindi man nagustuhan ng ating mga kritiko na laging ipinaparis ang gawang Estados Unidos sa yaring Pilipino at hindi man lamang isinasaalang-alang ang uri ng kagamitan at laki ng badyet ng mga pelikulang yari sa ibang bansa, natupad din ng pelikulang yari rito ang makapagbigay kasiyahan sa kanyang mga tagatangkilik, at lalong higit, ang layong kumita sa takilya.

Sa may 120 pelikulang Tagalog na niyari ng iba-ibang samahan noong 1963, may ilan ding kompanya na hindi gumawa nang nakaraang taon.

Noong 1963, ang nanguna sa mga "higante sa takilya" ay ang "Ako'y Iyong-Iyo" ng Tagalog Ilang-Ilang Productions na pinangunahan nina Amalia Fuentes at Romeo Vasquez.  Sa 25 araw na unang pagtatanghal ng "Ako'y Iyong-Iyo" sa dulaan, ito ay kumita ng P106,438.31.

Ang pumangalawa ay ang "Abaruray Abarinding" ng VP Pictures na kumita ng P103,021.00 sa loob ng 19 na araw na palabas sa dulaang Life.

Pumangatlo ang "Tatlong Mukha ni Pandora" ng Zultana International, na kumita ng P85,965.40 sa loob ng 11 araw na palabas sa dalawang sinehan.  Naging pang-apat ang "Sweet Valentines" ng VP Pictures na kumita ng P68,513.60 sa loob ng 13 araw; panlima ang "Amaliang Mali-Mali" ng VP Pictures din na kumita ng P67,193.60 sa loob ng 14 na araw.  Pang-anim naman ang "Dance-O-Rama" ng Sampaguita na kumita ng P61,818.20 sa loob ng 16 na araw; pampito't pangwalo ang "Adonis Abril" ng Larry Santiago Productions na kumita ng P56,020.30 sa loob ng 10 araw at ang "Duwelo Sa Sapang Bato" na kumita ng P52,008.20 sa loob ng 10 araw; pangsiyam ang "Esperanza at Caridad" ng Sampaguita na kumita ng P49,354.00 sa loob ng 14 na araw, at ang pangsampu ang "Ulilang Cowboy" ng Larry Santiago Productions na nagpasok ng P49,112.60 sa loob ng 10 araw na labas sa dulaang Globe.

Noong nakaraang taon, nakamit ng VP Pictures, Inc. ang una, pangalawa, pang-14, 15, 18, 19 at pang 20 puwesto sa mga pelikulang Tagalog na kinilalang kampeon sa takilya.  Ang pangatlo, pang-11 at pang-12 ay napunta sa Tagalog Ilang-Ilang Productions; ang pang-apat at pampito ay nakamit ng magkasamang produksiyon ng Sampaguita Pictures at ng VP Pictures; nakuha ng Larry Santiago Productions ang pang-lima at pang-13 puwesto; sa Lea Productions ang pan-anim na karangalan, sa Fernando Poe, Jr. (FPJ) Productions ang pang-walong puwesto; sa Sampaguita Pictures ang pang-siyam at pang-16 na karangalan, sa People's Pictures ang pang-sampu at sa Dalisay Pictures ang pang-20 karangalan.

Ang 20 kinikilalang kampeon sa takilya ng pelikulang Tagalog ng taong 1964, pati ng kanilang mga pangunahing artista, direktor at mga halaga ng kanilang pagkakayari ay ang mga sumusunod:

1.  EDDIE LOVES SUSIE, VP Pictures Inc.
 Life Theater, Enero 1-22 (22 araw); Republic Theater, 7 araw; Kabuuan, 29 na araw -- P149,326.60; Komedya-musikal -- Susan Roces, Eddie Gutierrez, Rosemarie at Pepito Vera Perez; Isinapelikula sa Kanada, Mehiko at Haway; Direksiyon:  Luciano B. Calos; Halaga ng produksiyon:  P250,000.00.

2.  JUKEBOX JAMBOREE, VP Pictures, Inc.
Life Theater -- Hulyo 17-Agosto 2 (15 araw) -- P85,052.80; Komedya-Musikal -- Gloria Romero, Luis Gonzales, Rosemarie, Bert Le Roy, Jr. at Daisy Romualdez; Direksiyon:  Luciano B. Carlos; Halaga ng produksiyon:  P150,000.00.

3.  ISA LANG ANG HARI, Tagalog Ilang-Ilang Pictures.
Globe Theater -- Hulyo 12-18 (17 araw) -- P78,999.00; Aksiyon -- Jess Lapid, Jun Aristorenas, Tony Ferrer, Divina Valencia, Gina Laforteza; Direksiyon:  Armando Garces; Halaga ng produksiyon:  P140,000.00.

4.  ANONG GANDA MO, Sampaguita-VP Pictures.
Life Theater -- Mayo 8-27 (20 araw) -- P77,932.40; Drama-musikal -- Gloria Romero, Susan Roces, Juancho at Eddie Gutierrez; Direksiyon:  Luciano B. Carlos; Halaga ng produksiyon:  P120,000.00.

5.  KUMANDER FIDELA, Larry Santiago Productions.
Globe Theater -- Hunyo 29-Hulyo 8 (10 araw) -- P75,562.40; Fernando Poe, Jr., Willie Sotelo, Helen Gamboa; Direksiyon:  Pablo Santiago; Halaga ng produksiyon:  P148.000.00.

6.  PRINSESANG KALAPATI, LEA Productions.
Center Theater -- Huly 17-26 (10 araw) -- P74,000.00; Pantasya, Eastman color -- Amalia Fuentes at Bernard Bonnin; Direksiyon:  Nemesio Caravana; Halaga ng produksiyon:  P165,000.00.

7.  MGA KANYON NG CORREGIDOR, Sampaguita-VP Productions.
Life Theater -- Agosto 3-17 (15 araw) -- P65,746.40; Isinapelikula sa Korehidor; 75 mga bituin; Direksiyon:  Jose de Villa at Mar S. Torres; Halaga ng produksiyon:  P150,000.00.

8.  BARIL NA GINTO, FPJ Productions.
Globe Theater - Hulyo 24-Agosto 2 (10 araw) -- P64,936.20; Pelikulang aksiyon -- Fernando Poe, Jr., Nova Villa; Direksiyon:  Efren Reyes; Halaga ng produksiyon:  P140,000.00.

9.  LERON-LERON SINTA, Sampaguita Pictures.
Life Theater -- Hulyo 8-19 (12 araw) -- P64,291.40; Komedya-drama-musikal -- Susan Roces at Eddie Gutierrez; Direksiyon:  Mar S. Torres; Halaga ng produksiyon:  P120,000.00.

10.  KULAY DUGO ANG GABI, People's Pictures.
Globe Theater -- Nob. 6-15 (10 araw) -- P63,321.60; Pelikulang katatakutan, Eastman color -- Amalia Fuentes, Ronald Remy at Eddie Fernandez; Direksiyon:  Gerardo de Leon; Halaga ng produksiyon:  P146,000.00.

11.  ITO ANG LALAKI, Tagalog Ilang-Ilang Pictures.
Dalisay Theater -- Mayo 19-28 (10 araw) -- P63,000.00; Pelikulang aksiyon -- Jess Lapid at Divina Valencia; Direksiyon:  Armando Garces; Halaga ng produksiyon:  P130,000.00.

12.  WALANG HANGGAN, Tagalog Ilang-Ilang.
Globe Theater -- Hunyo 21-30 (10 araw) -- P62,000.00; Amalia Fuentes at Fernando Poe, Jr.; Direksiyon:  Armando Garces; Halaga ng produksiyon: P197,823.12 (pinakamataas sa 19 na pelikula).

13.  LET'S GO, Larry Santiago Productions.
Globe Theater -- Abril 10-19 (10 araw) -- P61,490.00; Eddie Mesa, Jose Mari, Helen Gamboa, Chiqui Somes; Direksiyon:  Pablo Santiago; Halaga ng produksiyon:  P150,000.00.

14.  UMIBIG AY DI BIRO, VP Pictures.
Life Theater -- Dis. 20-31 (12 araw) -- P58,058.40; Komedya-drama -- Susan Roces at Eddie Gutierrez; Halaga ng produksiyon:  P120,000.00.

15.  SA LIBIS NG BARYO, Sampaguita Pictures
Life Theater -- Okt. 24-Nob. 3 (11 araw) -- P50,555.60; Susan Roces, Lito Legaspi, Josephine Estrada, Ramil Rodriguez; Halaga ng produksiyon:  P120,000.00.

16.  HI-SOSAYTI, VP Pictures.
Life Theater -- Agosto 28-Sept. 6 (10 araw) -- P56,877.00; Komedya-drama -- Susan Roces, Eddie Gutierrez, Liberty Ilagan, Ramil Rodriguez; P120,000.00.

17.  PAMILYA GALAWGAW, Dalisay Pictures.
Dalisay Theater -- Dis. 25-Enero 6 (13 araw) -- P49,924.00; Komedya-drama-musikal -- Nida Blanca, Nestor de Villa, Jose Mari, Diomedes Maturan, Willie Sotelo, Mila Ocampo; Halaga ng produksiyon:  P120,000.00.

18.  BINIBIRO LAMANG KITA, VP Pictures.
Life Theater -- Peb. 22-Marso 2 (10 araw) -- P49,096.40; Komedya-drama-musikal -- Susan Roces, Eddie Gutierrez, Carmen Rosales, Oscar Moreno; Halaga ng produksiyon:  P120,500.00.

19.  LABU-LABU, Tagalog Ilang-Ilang.
Center Theater -- Nob. 4-13 (10 araw) -- P48,500.00; Jess Lapid, Tony Ferrer, Jun Aristorenas, Alberto Alonzo, Divina Valencia; Halaga ng produksiyon:  P140,000.00.

20.  BATHING BEAUTIES, VP Pictures (kadoble ang pelikula ni John F. Kennedy).
Life Theater - (10 araw) P47,762.60; Josephine Estrada, Cynthia Ugalde, Liberty Ilagan, Gina Pareno, Lito Legaspi, Tito Galla at Luis Gonzales; Direksiyon:  Mar S. Torres; Halaga ng produksiyon:  P115,000.00.



Taliba, Pebrero 13, 1965.


* * * * * *



Wednesday, April 23, 2014

BAKIT SIKAT SI NORA? (Pilipino Magazine, July 1, 1970 & July 8, 1970)

Click on images to enlarge




(KARUGTONG)
Pilipino Magazine, July 8, 1970





Sinulat ni J. Ser Sahagun
Pilipino Magazine, July 1 & 8, 1970

* * * * * * 

Wednesday, April 16, 2014

FILM REVIEW: RE-PHOTOGRAPHING A LOVELY ACTRESS

Click on images to enlarge

"PORTRAIT OF MY LOVE"
Release Date:  1966
Production:  Sampaguita Pictures
Direction:  Luciano B. Carlos
Stars:  Susan Roces, Eddie Gutierrez, Shirley Moreno
Nori Dalisay, Etang Discher, Tony Dauden
Matimtiman Cruz, Cora Maceda
(Movie ad courtesy of Simon Santos, Video 48)




SPOTLIGHT
by Ophelia San Juan

Film Review:  Re-Photographing A Lovely Actress
(The Weekly Nation Magazine, 1966)

PORTRAIT OF MY LOVE, in exciting black and white and astounding part Eastmancolor, should bring to mind Leonardo da Vinci and Bob Razon with one brush splash.

Da Vinci's Mona Lisa painting is enigmatically brought into the title credits of Portraif Of My Love after the main players have, in varying poses of smiling prettiness, appeared within elaborately curlicued frames very reminiscent of Bob's Studio's favorite society photographs.  After the initial jolt of seeing a work of art, however, audiences of this Sampaguita 29th anniversary offering and Christmas picture can settle down to enjoy a thoroughly funny and sometimes hilariously irreverent story made up of sight gags and comic situations more or less spawned by love -- young, old, matriarchal, filial, foolish, masochistic, sadistic, or just plain fancy.

The most rib-cracking episodes occur in the first part of the picture, when female office executive Lita Soriano (Susan Roces) relates to factotum Cleo (Matimtiman Cruz) three principal reasons why she thinks men are saps and women ought to stay unmarried:  the first is a courteous, unctuous gentleman who indulges in Continental hand-kissing and Filipino respectfulness, and who has impressed her with his unashamed ardent wooing, only to hide behind a curtain at the first loud thunderclaps and clamber up the living room table at the sight of a fat, cuddly, white house mouse; the second is Samson, who lives up to his name with a bodybuilder's build at which Lita dutifully gawks and impressedly swoons when he exhibits at the Soriano's yard -- only, the musclebound cad combs his hair coquettishly and preens before a mirror the way all male would-be Delilahs do; the third frustrating heartthrob of Miss Soriano is a fast-working Lothario who dashingly snatches her "yes," then scares her off and away up the ceiling beam with his bristly kiss.  With such past sad experience, Lita is less than enthusiastic about meeting new young men, much less future sweethearts and possible husband.

This attitude is the exact opposite of that held toward men by Cleo, whose unabated appetite for lovemaking would have been called dirty in a film more aware of character portrayal and logic than Portrait Of My Love is, but whose zestful depiction of an uninhibited contretemp to Lita Soriano's standoffish maiden results in broad, instincts-conscious comedy that, at worst, can be termed bawdy vaudeville.  She introduces Ricky (Eddie Gutierrez) to Lita, and from this blind-date outing evolves the series of events in the playboy-meets-playless-girl situation comedy that make up a collection of sight gags rendered precious by the comic talent of Matimtiman Cruz, Etang Discher, Tony Dauden, German Moreno, Eddie Gutierrez, and -- most noticeably -- Susan Roces.

Lita takes offense at Ricky's amorous attempts, reports him to the police, and has him jailed overnight.  The sweet-faced, curly-topped playboy, long pampered by his rich grandmother, cries to her like a baby for help.  The grandmother, Dona Margarita (Etang Discher), looks like a vampire who makes Christmas Eve sweet-meats of red-blooded playboys, but she is actually putty in her spoiled grandson's slick hands, and she bails him out of prison.  More than that, she proceeds to confront the unknown wench who has had the gall to accuse him of forcing his attentions on her.

"My grandson does not go after women," she declares haughtily to the poker-faced desk sergeant, "women tear after him."

Lita deals with her as efficaciously as she had her grandson's libidinous attempts -- with spirit, cunning, and considerable comic spectacle.  That is, up until she suddenly takes a misdirected turn for the dramatic and lectures the old woman on female virtue and valuability.  The scene is so out of place in the gay, lively and correctly exaggerated comedy that it calls attention to the film's fanciful excesses, and almost brings it to the level of maudlin melodrama that movies can so often be capable of.

However, it is Susan Roces again as Lita who saves the situation.  Faced by the prospect of an embarrasing and uncertain lawsuit if she persists in persecuting Ricky, she decides to take retribution by slapping him several times, landing almost manful blows on his handsome face.  When he kisses her hotly and lengthily, she breaks a few of his bones with a judo backhand throw.

Invalided, Ricky is further maimed by formal engagement to Marily (Shirley Moreno), a betrothal arranged by his grandmother and calculated to conform to the family's social standing.  Masochistic Marily endures all of a playboy's predictable flaws -- forgetfulness, neglect, unfaithfulness, scarcity, and ill temper.  She loves him dearly, apparently, and continues to be around -- a pretty sight anytime in spite of his cool disregard.

Appearing in most of her scenes with pert Nori Dalisay, Shirley Moreno is a beautiful young star typical of Sampaguita's promising personalities.  Her dimpled wholesomeness, pleasingly proportioned statuesqueness, and fashion consciousness mark her as inevitably as a hen peacock's presence among the brood of ordinary females, and she should prove an actress with many interesting expressial nuances when given the major role.

Marily's involvement becomes the major problem of Lita as far as Ricky is concerned, for the former resorts to a mad psychiatrist's help to secure the affections of Dona Margarita's darling.  The psychiatrist (German Moreno), who seems to have more delusions than many of his patients, advises her to change her personality so as to intrigue her lagging lover.  A wise move, perhaps, for a masquerading secret agent, but for Marily it only gets a fit of laughter from Ricky.  Ricky's hysterical merriment reaches the peak where Dona Margarita fears for his sanity, and she, too, brings him to a psychiatrist.

The doctor (German Moreno, as could be expected in this chain of coincidences), hypnotizes Ricky with his pencil that causes crosseyedness, gets to the root of the young man's troubles (Lita Soriano), and counsels him to devote his life in wooing her.  Once his obsession is rewarded, Dr. Spraecken says, he can forget her and be forever cured.

Ricky's pestering understandably drives Lita to desperation, until Cleo, whose very life is endangered by Lita's somnambulistic ragings, brings her to the doctor's den.  The diagnosing session is a comic highlight of the film, engendered by Matimtiman's matchless clowning and Susan's eye-filling presence.  From the psychiatrist's couch, Lita arises with the magic prescription:  accept Ricky's visits, show him graciousness, and be rid of a troublesome burden.  The head-shrinker's cheap price of advice:  P100 only.

Audiences pay only P1.20 or P2.60, at most, each for all of these zany goings-on -- and they get an additional dosage of romantic fill-ins and tearjerking trickery, which come later on in the film.

Portrait Of My Love could have ended happily with the realization of the romance between Lita and Ricky; adding the broad brush strokes of complications caused by Marily and later resolved by her, too, makes for a bigger canvas but not necessarily a masterpiece such as the Mona Lisa.  The complicated portion of the picture, however, provides Shirley Moreno -- a full-fledged star now with the proclamation of the Stars of '66 in An Evening To Remember, which goes with Portrait -- with a few chances to show histrionic ability.  She is sophisticated as a woman using guile to dissuade another female from continuing to consort with the man of her choice, and vulnerably tender as the maiden who has lost in this triangle of types.

The color portion of the film, which presents musical numbers straight from Hollywoodian renditions of Broadway's South Pacific, The Student Prince, My Fair Lady, The King And I, and The Sound of Music, comes astonishingly out of the blue.  Portrait Of My Love gives no hint whatsoever in the course of its story about these reproductions -- and it is Director Luciano B. Carlos's astounding photographic imagination alone which could have made these possible.

This is not to say that the lavish miniature musical numbers are not colorful indeed.  They are a festive ending for the gala Christmas film presentation from Sampaguita, and are the best proofs that an actress as lovely as Susan Roces deserves to be re-photographed again and again -- in regal, bright costumes always, if possible.

Nonetheless, the best merits of Susan are in plentiful evidence as the glittering comic gifts of a versatile actress in any clothing.  She is Mila del Sol and Carmen Rosales all over again, with perhaps the hints of the modest Norma Blancaflor and the demure Rosario Moreno, in addition to being the epitome of the modern-day dream of an incorruptible lass who can at the same time be chic, hep and a-go-go.  In Portrait Of My Love, the assembly line's latest from the story factory of Jose Leonardo & Associates, she gets complete room to display these wondrous gifts in.  In fact, she gets more chances at acting in the romantic musical comedy than in many five of her dramatic pictures.

* * * * * *