Saturday, November 22, 2008

RICKY AND ROSEMARIE

NOSTALGIA 5:
RIKITIK LOVES ROSITIK

By Ely Sablan

Source: Jingle Extra Hot Movie Entertainment Magazine
No. 108, February 24, 1983



Taong 1966 noon sa Sampaguita Studio, isa si Rosemarie Sonora sa sikat na sikat na Stars ’66 noon. Partner-partner ang mga artistang kasama sa grupong iyon na binuo nang yumaong Doctor Jose Vera Perez. Kabilang din sa grupong yon sina Dindo Fernando, Bert Leroy, Jr., Edgar Salcedo, Shirley Moreno, Blanca Gomez, Gina PareƱo, Loretta Marquez, Pepito Rodriguez at Ramil Rodriguez.

Ang ka-loveteam noon ni Rosemarie ay si Pepito Rodriguez. Ilan sa mga pelikula nilang pinagtambalan, kasama ang iba pa sa Stars ’66, ay ang Mga Batang Milyonaryo, Bus Stop, All Over The World, Mga Batang Bakasyunista, Mga Batang Turista, Sandwich Shindig, Mga Batang Iskwater, Mga Batang Lagim at marami pang iba na halos lahat ay dinumog sa takilya.

Isa sa mga sikat na loveteam ang kina Rosemarie at Pepito, na pinatunayan ng mga pelikulang tulad ang Juanita Banana at Magic Bilao. Naging napakaganda ng kanilang pagtitinginan at talagang sila n asana ang magkakatuluyan nang biglang pumasok sa kanilang pag-iibigan si Ricky Belmonte, after his first movie na Si Siyanang at ang Pitong Tsikiting. Nabulabog ang loveteam nina Rose at Pepito at naging love triangle ito nang pumasok nga sa eksena si Ricky. Dahil sa kanilang reel and real life love triangle, naisipang gumawa ng pelikula ni Doc Perez na tampok ang tatlo. Syempre pa, tumabo sa takilya ang kanilang pelikula.

Maraming naging kalaban si Rosemarie sa Sampaguita na nagkaroon din ng pangalan sa pelikula. Nung panahong yun, naging mahigpit niyang katunggali si Helen Gamboa. Sikat na singer noon si Helen kaya medyo kinabahan rin ang Vera Perez. Gayunpaman, nanatili pa rin si Rose sa kanyang trono.

Samantala, si Ricky ay nakapareha rin sina Jeanne Young, Susan Roces, Amalia Fuentes at iba pa.

At dumating nga ang puntong kailangang mamili si Rosemarie kina Ricky at Pepito. At pinili nga niya si Ricky Belmonte upang kaniyang maging sweetheart at asawa. Naging sikat ang katagang Rikitik loves Rositik. Nagsama ang dalawa sa mga pelikulang Young at Heart, Sayonara My Darling, Valentine’s Wedding, Ye-Ye Generation, Nine Teeners at iba pa. Isa sila sa mga pinakamalakas na loveteam noon (at magpahanggang ngayon naman, di ba?).

Ayon nga kina Ricky at Rose, na itinuturing nang halos karamihan na may matagumpay na samahan sa mga mag-asawang artista, ay habang panahon na lang na silang magsasama sa pelikula. Hindi rind aw nila akalain na sila rin ang magkakatuluyan. Subalit hindi naman sila nagsisisi dahil maganda naman ang samahan nilang mag-asawa ngayon.

Sa ngayon, biniyayaan sila ng Diyos ng tatlong anak sa katauhan nina Wowie, Sheryl at Patrick. Sa tatlong ito, si Sheryl ang unang naakit ng pelikula. Sa katunayan, nag-produce sila ng pelikula, ang Candy na tinampukan ni Sheryl sa lead role at kasama ang maraming guest stars. Humakot sa takilya ang pelikula kaya lang, hindi muna ito sinundan ng mag-asawa dahil ayaw nilang maistorbo ang pag-aaral ng bata.

Ang samahan ng mag-asawang Ricky at Rose, katulad din ng iba, ay iniintriga. Naririyang intrigahin sila ana maghihiwalay na sila. Pero kahit ano pa yata ang mangyari, talagang hindi kayang paghiwalayin ng landas ang mag-asawa ng kung sinu-sinong intrigero.

Ayon nga kay Ricky, hindi naman niya pinagbabawalang lumabas sa pelikula si Rose. Siyempre, gusto lang niya yong pelikulang talagang babagay ditto.

At bilang handog nga sa mga tagahanga ng Ricky at Rose sa taong ito, mapapanood ulit silang dalawa kasama ang dalawa nilang anak, sina Wowie at Sheryl, sa pelikulang Home Sweet Home ng Baby Pascual Films & Associates. Kasama rin nila rito ang mabait at mahusay umarteng si Janice de Belen, pati na ang batang si Peewee Quijano.

Sa pelikulang nabanggit, isang pamilyang mahirap ang ginampanan nila. Mahirap ngunit masayang nagsasama. Dahilan na rin sa hirap ng buhay at upang maitaguyod ang kinabukasan ng pamilya, nagpasiya si Ricky na pumunta sa Saudi upang doon magtrabaho. Dito nagsimula ang kalungkutan ng kanilang pamilya.

Kasama rin sa Home Sweet Home si Charito Solis sa papel na tiyahin ng mga bata na mahigpit at malupit sa mga bata.

Parang tunay na pamilya talaga ang makikita mo sa shooting ng Home Sweet. Tulung-tulong silang lahat sa ikagaganda ng pelikula. At talagang masayang pamilya ang kanilang inilarawan sa kabuuan nito.

Ang pamilya nina Ricky at Rose ay maituturing nating isang modelong pamilya. Nababakas pa rin sa kanila ang kahalagahan ng pagmamahalan sa isa’t isa at ang pagtataguyod sa kinabukasan ng kanilang mga anak. Kung walang pelikula si Rose, abala siya sa pag-aasikaso ng kanilang munting negosyo samantalang si Ricky naman ay kumakanta sa nightclub kasama ang kanyang itinayong grupo.

Kaya, kahit na anupang mg intriga at unos ang dumating sa kanilang buhay, hindi nila mapaghihiwalay ang samahan ng mag-asawang Ricky at Rose dahil Rikitik loves Rositik! At very much, di ba?

* * * * * *









Thanks to Simon Santos of video48.blogspot.com for the movie ads.

* * * * * *


1 comment:

shernick80 said...

like them both because of sheryl cruz. thanks 4 uploading and d trivia