Monday, November 24, 2008

EDDIE GUTIERREZ

NOSTALGIA 7:
EDDIE GUTIERREZ: THE MATINEE IDOL OF THE 60’s

By Ely S. Sablan

Source: Jingle Extra Hot Movie Entertainment Magazine
No. 113, March 31, 1983


Si Eddie Gutierrez na yata ang isa sa maituturing na may pinakamataas na height na sumikat na artista sa bakuran ng Sampaguita Pictures.

Bukod sa mahahaba ang biyas ng kanyang dalawang kamay, siya pa rin ang Long-Legged sa kalalakihan. Eding Poste and tawag sa kanya ng kanyang ka-loveteam na si Susan Roces at ito ay sa malaganap na palatuntunan sa radio ng mga panahong iyon, ang Magkakapitbahay sa istasyong DZRH.

Siya ay discovery ng mga Vera Perez magmula nang siya ay teenager lamang. Maraming pelikula ang ginawa ni Eddie Gutierrez sa Sampaguita Pictures noong kanyang kasikatan.

Ilan sa mga natatandaan ko ay ang To Love Again, Pogi, Portrait of My Love, Eddie Loves Susie, Ang Maganda Kong Kapitbahay, Bikini Beach Party, Eddie Long Legs. Sa labas naman ng Sampaguita ay ginawa niya ang From Pilita With Love at ang My Faithful Love.

Maraming artistang babae ang nakapareha ni Eddie nuong mga panahong iyon. Kabilang sa mga bituing babaeng nagbigay-sigla sa movie career ni Eddie ay sina Susan Roces, Amalia Fuentes, Vilma Valera, Liberty Ilagan, Josephine Estrada, Gina Pareño, Shirley Moreno, Liza Lorena, Divina Valencia, Rita Gomez, Charito Solis at ang Asia’s Queen of Songs na si Pilita Corrales.


Sa hanay naman ng mga kalalakihan, naging mahigpit niyang kalaban sa popularity sina Romeo Vasquez, Vic Vargas, Tito Galla, Jose Mari, Lito Legaspi at marami pang iba.

Isa na yata sa pinaka-poging artistang lalaki nuon sa Sampaguita Pictures si Eddie Gutierrez. Maraming pelikula niya ang kinagat talaga ng publiko. Idagdag pa ang tambalan nila ni Susan Roces na talaga naming napakalakas noon. Sa kasalukuyan ay nasa US si Eddie Gutierrez kapiling ang kanyang asawang si Anabelle Rama at ang kanilang mga anak.

Sa atin, kapag sinabi mong salesman ng kaldero ay namumutawi kaagad ang labi natin na ito ay chep na hanapbuhay, subalit duon sa US ay bigatin ang trabahong ito dahilan sa ang halaga ng isang set ng kaldero duon ay P1,500.00.

Kasama ni Eddie roon ang dalawang aktor na nagkaroon din ng malaking pangalan dito na sina Bert Leroy, Jr. at Romano Castellvi. Tindero rin ng kaldero ang dalawa.

Pawang maayosna ang buhay nila roon, at hindi mo basta-basta iisnabin ang kanilang uri ng pamumuhay sa naturang lugar. Ang artista, kapag din lang alam nila na medyo hindi na sila masyadong napapansin dito, ay nagkakaisip na mangibang-bansa na lamang upang duon ay harapin naman ang bagong daigdig na dapat pagtuuan ng pansin.

Kamakailan lang ay nalathala sa isang babasahin ang tungkol sa 14-year-old son ni Eddie Gutierrez kay Liza Lorena na si Tonton.

Kung matutuloy ang plano ni Eddie na papag-aralin sa States ang bata ay tanging si Liza lamang ang nakababatid nito. Kung papayagan niya ang kanyang anak o hindi.

Kung sakaling mag-aartista raw itong si Tonton ay si Liezl ang nais niyang makapareha. Magmana kaya si Tonton sa kanyang Daddy na pabling kapag ito ay magbinata na nang husto? Kaya, Liza, paalala lang, ingatan mong mabuti si tonton upang huwag mapasabak nang maaga sa mga babaing namimikot diyan, lalo pa nga’t pogi ang inyong anak ni Eddie. Mahirap na ang mapasabak nang wala sa panahon ang bata. Alam mo naman, nasa huli parati ang pagsisisi.

Noong nandito pa si Eddie, maraming intriga na kesyo hindi sila magkakatuluyan ng kanyang love na si Anabelle Rama dahilan sa ito ay masyadong pabling nga, subalit ang lahat ng mga bagay-bagay na nagbabadyang hindi magtatagal ang relasyon nila ay hindi natuloy. Sila pa rin ang naging mag-sweetheart nang bandang huli. Kaya hindi nagtagal, tumungo ang dalawa sa Amerika upang duon ay magpakasal, para matigil na ang maraming intrigang kanilang nasasagap sa kung kani-kaninong matatabil ang labi.

Ayon sa ilang reliable sources, si Eddie Gutierrez daw ay very professional sa lahat ng bagay. Kapag din lang siya ay may shooting ay maaga siyang dumarating sa set ng pelikula.

Sa mga guesting sa TV naman at personal appearances sa iba’t ibang lalawigan ay hindi rin siya nagpapaistar, hindi tulad ng ibang mga sikat na mga kalaban niya na masyadong malakas ang dating. Palibhasa’y tunay na aktor si Eddie Gutierrez kaya pinangangatawanan na lang niyang mabuti ang lahat ng bagay na kinakailangan niyang gampanan. Especially sa kanyang movie career.

Nitong early 70’s ay medyo nag-lie low ang movie career ni Eddie Gutierrez at medyo nawala ang mga pelikulang drama. Biglang-bigla na lang sumulpot sina Nora Aunor at Vilma Santos, kaya ang naging trend ay puro musical at sayawan.

Hindi nagtagal ay muli na naming uminit ang mabangong pangalan ni Edde Gutierrez sa langit-langitan ng putting tabing, biglang nauso ang mga pelikulang bomba. Maraming pelikulang nilabasan si Eddie nuon, bagama’t may mga hubarang eksena ang karamihan ay tinanggap pa rin ito ng poging aktor.

Nuon ay naging maluwag ang Board of Censors kaya ang lahat ng mga nag-produce nuon ay nagsiyamang lahat. Bagama’t nakalusot ang mga maiinit na eksena nuon nila Eddie ay hindi nagtagal at bigla na lamang silang natakpan ng mga kabataang bituin. Dito nga nag-umpisang bumongga ang movie career nina Nora, Vilma, Tirso, Manny at Edgar.

Saan mang dako naroroon si Eddie Gutierrez na kapiling ang kanyang mga mahal sa buhay ay dalangin ko ang kapanatagan ng kanilang pamumuhay duon at sana ay umunlad pang lalo ang kanilang buhay.

Sana ay umuwi ka na, Eddie, at gumawa ka pa ng maraming pelikula rito, kasi nauuso na naman ang mga pelikulang ang itinatambal sa mga kabataan nating actress ay pawang magagaling na katulad mo.

Makarating sana ang isinulat kong ito kay Eddie Gutierrez para naman maisipan muli niyang magbalik dito sa Pilipinas.

Malay natin, baka kung sakaling magbalik-bayan si Eddie ay magkaroon siya ang maraming offers sa pelikula at maging sa telebisyon.

Kaya sa mga tagahanga nina Eddie at Susan Roces na naghahangad na mapanood sa pelikula ang dalawa, abangan na lang ninyo sa telebisyon ang kanilang mga lumang pelikula na magaganda pa rin hanggang ngayon.

* * * * * *



Thanks to Simon Santos of video48.blogspot.com for the movie ads.

* * * * * *


11 comments:

Anonymous said...

saan mo naman na pulot ang lumang issue na yan sa baul ng nanay mo?
pero infairness mahilig ako sa mga antigong magazine

TJ Magsakay said...

Veteran actor Eddie Gutierrez is known Eduardo Gutierrez Kutiyagaran, the great-grandson of Francis Xavier Wayne Dias Kutiyagaran (FXWD) a Malayali man with Portuguese ancestry and a native of Palakkad District, Kerala. The first Bumbay in the Philippines ''Athuchande Supreme Master-yil Philippine Island-yil maathugaran naakaraam''

Anonymous said...

Liwayway magazine 102 year old entertainment magazine published in 1922 Manila Philippines during the American colonial times in media history.

Anonymous said...

Born Eduardo Gutierrez of English French German Indian Portuguese & Spanish descent he is the father of several children grandchildren & patriarch of the family born in 1942 Cebu City Philippines 82 years old still in showbusiness in the Philippines.

Anonymous said...

Wakasan the weekly comicbook series from the 1950’s to the 1980’s now defunct published magazines as collectors item in the Philippines.

Anonymous said...

Tonton Gutierrez (b.1964 Manila Philippines) Filipino actor.

Anonymous said...

Ruffa Gutierrez (b.1974 Manila Philippines) Filipina actress & commercial model.

Anonymous said...

Richard Gutierrez (b.1984 Los Angeles California USA) Filipino American actor son of Eddie Gutierrez.

Anonymous said...

Raymond Gutierrez (b,1984 Los Angeles California USA) Filipino actor socialite author & philanthropist brother of Richard Gutierrez.

Anonymous said...

Bannawag Ilocano version of Liwayway magazine mostly for Ilocano speakers in northern Philippines.

Anonymous said...

Tagumpay Magazine published in 1963 in Manila Philippines until 1972 a now defunct magazine in the Philippines.